BAKIT DAPAT MAGPAGAWA NG EPEKTIBO NA LOGO SA ISANG EKSPERTO NA DESIGNER?
Kung paano na sa tuwing ikaw ay magkakasakit, ay pumupunta ka sa isang eksperto at tiwala mong Doktor. Pagdating sa graphics o paggawa ng logo ay may eksperto rin. Sa paggawa ng logo o simbolo kailangan mong pumunta sa isang eksperto sa graphics.
Subalit dapat mong alamin kung kanino ka dapat magpagawa? Gaano kahalaga ang logo sa iyong negosyo? Bakit pa magpapagawa ng logo? Ano ang layunin ng isang logo? Kailangan mo ba ng logo para sa iyong kumpanya? Ito ang pag-uusapan sa artikulong ito. Bago ang lahat, alamin muna natin kung…
Ano ba ang logo?
Sa maikli, ang logo ay isang disenyo na iyong magagamit para sa iyong advertising na materyal. Ito ay isang representasyon o simbolo ng isang pangalan ng kumpanya o isang marka para sa iyong produkto o serbisyo. Maaring gamitin at ilagay sa iyong letterhead, ID, call/business card, packaging, posters, harap ng tindahan, sa iyong produkto, sa website at marami pang iba. Ang logo ay isang simpleng marka upang matandaan ng iyong mga mamimili ang iyong serbisyo o produkto at upang tumatak sa kanilang kaisipan. Sa simpleng salita, ang logo ay ang simbolo o pagkakakilanlan ng iyong negosyo. Pero mahalaga ba ang pagkakaroon ng logo?
Gaano kahalaga ang logo o simbolo?
Ibat iba ang klase ng mga simbolo at ang dahilan kung bakit kailangan ito. Halimbawa sa kalsada ang mga simbolo ay ginagamit upang magbigay ng mga babala o impormasyon para sa mga nagmamaneho bilang “Road signs.” Ang simbolo naman ng isang bansa ay ang Bandila at ito ay sagisag nang kasarinlan. Samakatwid napakahalaga ng logo.
Ang mga negosyo o kumpanya naman ay nangangailangan rin ng mabisang simbolo o logo. Ang mga kumpanya ay nagsasabi na ang mas simpleng logo ay mas maganda. Sa ngayon na ang mga bagay sa mundo ay nagiging mas mabilis, kaunti na rin ang panahon upang makuha ang atensiyon ng iyong mga kliyente. Sa pamamagitan ng simpleng logo maaring mapukaw nang mabilis ang mga target market mo at upang madali rin nilang maalala ang iyong logo.
Halimbawa ang logo ng NIKE sa isang billboard sa EDSA, simple lang subalit madaling makita ng mga mata at maalala ng isang nagmamadaling tagamasid at tumatak sa kanilang isip. Pero para saan ang isang logo?
Ano ang layunin ng logo sa iyong negosyo?
Samakatwid ang logo ay para sa tinatawag na “Subconcious mind” ng mga nakakakita. Kung paano mo pinipili ang kulay, hugis ng iyong logo at kung gaano mo kadalas na ina-advertise ito sa kahit anong paraan, maaring sa pamamagitan ng flyers, call/businesscards, posters, banners o sa paglalagay ng Ad sa malalaking television network, billboards, at marami pang iba. Ang layunin ay upang pasukin ang “subconscious mind” ng iyong target market na ikaw ay kanilang matandaan.
“Ang layunin ng iyong logo ay upang maalala ng iyong kliyente ang iyong produkto o serbisyo ng iyong negosyo.”
Sino ang hindi makakaalala sa Facebook, na halos lahat ng Billboard ng ibat ibang kumpanya sa ngayon ay makikita ang kanilang logo. Sa Facebook mismo ay maaring ilagay ang logo ng iyong kumpanya at ang pinakamabisang page sa facebook pagdating sa iyong negosyo ay ang paggawa ng Fan Page at ang unang makikita sa Fan page ay tinatawag na landing page o Welcome Page.
Balik tayo sa logo.
Para sa kapakanan ng iyong negosyo, hindi ka maaring pumili ng logo sa simula at matapos ang ilang taon na paggamit ay magpapalit ka nang iba. Hindi magiging maganda sa iyong negosyo na magpalit ng logo matapos ang ilang taong paggamit. Kung ganun, kinakailangan ang masusing pag-iingat sa pagpili ng iyong logo sa simula pa lang ng iyong pagne-negosyo. Ang isang eksperto ay makakatulong sa iyong desisyon. Subalit gaano mo kailangan ang isang logo?
Kailangan mo ba ng Logo?
Halos lahat ng tao ay may “Identification.” Kung ikaw ay estudyante, dala mo ang iyong “ID.” Kung ikaw ay isang empleyado meron kang “Company ID” ng iyong pinapasukan. Kung ikaw ay isang turista o nagtatrabaho sa ibang bansa ay meron kang “Passport.” At marami pang ibang halimbawa.
Kung ikaw ay nagnenegosyo, kailangan mong magkaron ng “Identification” para sa iyong mamimili o target customer. Sa negosyo, ang isa sa kanyang “Identification” ay ang kanyang logo. Mas mabuti na magkaron ka ng isang mabisang Logo. Sa pamamagitan ng iyong logo ay maipapakita mo ang pagkakakilanlan ng iyong produkto o serbisyo sa iyong mga kliyente.
Subalit maaring sabihin mo: “Ako na lang ang gagawa ng sarili kong logo”
Pwede ba ako gumawa ng sarili kong logo?
Kung nagkasakit ka ay maari mo bang gamutin ang iyong sarili at hindi ka pupunta sa isang ekspertong Doktor? OO, kung ikaw ay nag-aral sa medisina, meron kang mga aparatus sa pang-gagamot at kaya mong gamutin ang iyong sarili. Bakit hindi?
Maari kang gumawa ng sarili mong logo, kung nag-aral ka ng design o fine arts at katulad nito. Kung ikaw ay marunong sa software na ginagamit sa paggawa nito. Malawak ang iyong kaisipan o pagiging creative. Marunong kang mag-drawing, sketch, doodle at kung ano ano pa.
Ang isang mahusay na designer ay hindi nagbabakasakali lang ng kanilang paggawa sa iyong logo. Ginagamitan ito ng mabisang teknik sa paggawa.
Ang isang ekspertong designer ay ginagamit ang…
· Kanila mismong ideya o creative input.
· Impormasyon tungkol sa kumpanya o negosyo.
· Input ng kliyente mismo.
· Kanilang experience at expertise mismo.
· Taon na kanilang ginugugol sa paggawa ng logo design.
· Kanilang kaalaman sa “Graphics Software.”
· Masusing research.
· Reperensyang hawak.
Ang lahat ng ito at marami pang ibang proseso sa paggawa ng logo o graphics ay ginagamit sa pag-gawa ng iyong logo.
Kung isang eksperto sa graphics ang gagawa sa iyong logo, makasisiguro ka na ito ay nasa mabuting kamay, wika nga.
Ang isa sa sikreto ng mga negosyo na nagtatagal ang operasyon ay sa pamamagitan ng epektibong logo.
Tandaan ito:
“Kung magbabakasakali ka sa iyong logo at hindi naging mahusay ito, huwag ka nang umasa pa na matatandaan ng iyong mamimili ang iyong negosyo.“
Kung ganun, paano kung hindi mo kayang gumawa ng sarili mong logo, kanino ka magpapagawa?
Sino ang “Eksperto” na iyong mapagkakatiwalaan?
Marami mga “Eksperto” sa paggawa ng logo o graphics. Marami sa “online world” ang nagpo-post bilang “Eksperto”. Nakalulungkot, marami ang biktima ng katiwalian na nagpapanggap na sila ay eksperto sa “Graphics design” subalit nang makabayad na ang kliyente ay walang kalidad ang kanilang nakuhang disenyo
Ibibigay namin sa inyo ang hakbang sa pagkilala kung saan at kanino nyo dapat ipagkatiwala ang paggawa ng iyong “Identification” o simbolo o logo ng iyong produkto o serbsiyo nang sa gayon ay magkaroon kayo ng mabuti at tamang desisyon.
Tandaan na dapat maging masusi sa pagpili ng iyong logo sa simula pa lang sapagkat hindi magiging maganda sa iyong negosyo matapos mong gamitin sa maraming taon, ay magpapalit ka ng logo. Ito marahil ang pinakamagandang advise sa artikulong ito.
Tandaan ito:
“Maging masusi sa pagpili ng logo sa simula pa lang ng pagnenegosyo.”
Ang isang eksperto sa graphicsat logo design ay makakatulong sa iyo sa pagdedesisyon sa pamamagitan ng kanilang suhestiyon dahil hindi sila nagbabasakali lamang sa paggawa ng iyong logo. Kilalanin mo lamang kung sino ang iyong pagkakatiwalaan. Kung makakakita ka ng kumpanya na pasok sa iyong pagkilala, mawawala ang iyong pagdududa.
Narito ang ilang importanteng hakbang sa pagkilala sa isang designer.
1. Alamin ang kanilang credentials
Sila ba ay may hawak na certificate bilang graphics o kaya ay graduate ng fine arts sa mataas na paaralang kilala mo o katulad nito. Siguraduhin na totoo ang mga credentials na ito, alam naman natin kung gaano kadami ang peke sa ngayon. Kung papanong hinahanapan mo ng credentials ang iyong mga empleyado maaring hanapan mo rin ang iyong designer.
2. Alamin kung ilan taon na silang nagdedesign
Kung ang isang doctor ay baguhan pa lamang, hindi mo ipagkakatiwala ang iyong buhay sa kanya, hindi ba?
3. Alamin kung saan sila nagmula o background
Ibig sabihin sino ang kanilang mga naging kliyente na. Alamin ang mga kumpanya na naging training ground at kung paano sila naging eksperto.
4. Ang kanilang presyo ba ay lubhang napakataas?
Halos lahat, kung hindi man ay marami sa kumpanya ng graphics design sa internet ngayon ang lubhang napakataas maningil.
Halos lahat rin o marami sa mga advertising agencies ay sa malalaking kumpanya lamang nagsisilbi dahil kayang magbayad nang napakalaki. Sabagay hindi na kailangang sabihin pa dahil alam ito ng nakararami.
“Hindi batayan ang mataas na presyo upang magkaron ng kalidad ang iyong logo.”
5. Kukuha ka ba ng In-house designer?
Kung ikaw naman ay kukuha ng in-house designer para maging empleyado, kalimitan ng kanilang oras sa opisina kapag walang ginagawa ay inaaksaya sa internet, facebook, games, chat na ginagamit ang iyong computer at oras subalit kailangan mo pa rin silang bayaran ng buong sahod. Kaya lumalabas na nagiging mahal din ang magpasahod ng isang in-house designer. Hindi pa kasama ang paghingi ng increase taon-taon at maraming sakit ng ulo na mga angal. Hindi ka rin nakakasiguro na sila ay magtatagal.
Kung sa isang propesyunal at ekspertong designer ka pupunta na tiwala ka, may kalidad rin ang gawa katulad sa advertising agency subalit abot kaya mo ang presyo at walang sakit ng ulo dahil magbabayad ka lang kung kelan mo sila kailangan. Sila ang pupunta sa iyo at hindi kabaligtaran dahil nanaisin nila magtagal ang kanilang pakikipag transaksyon sa iyo.
6. Ang kanilang presyo ba ay lubhang napakababa?
Karamihan sa ngayon ay halos nagpapagawa sa mga mura maningil na mga “designer.” Marami sa internet na nagpo-post bilang “Eksperto” at nagbibigay ng sobrang mura ng serbisyo. Kung napili sila ng kliyente ay walang kalidad ang mga gawa na halos hindi pinag-isipan. O kaya naman ay kinuha ang design sa ibang logo shop sa internet sa gayon ay marami ang may katulad ng iyong logo. Ang iba ay kumukuha lamang ng mga clipart na maraming gumagamit. Dahil sa bilis at mura ng transakyon kaya halos kinopya at hindi na pinag-isipan ang mga gawa.
“Magbayad ng tamang halaga na hindi mahal at hindi rin masyadong mababa sa iyong logo dahil ito ang importanteng bahagi ng iyong negosyo.”
Tandaan na hindi magiging maganda ang kalalabasan ng iyong negosyo kung papalit-palit ka ng logo. kaya dapat sa simula pa lang ng iyong pagne-negosyo ay “100% Satisfied” ka na sa iyong logo.
7. Sila ba ay iyong nakita na nang personal?
Kung ikaw ay magpapagawa ng logo, sila ba ay nakita mo na o naka-usap man lang sa gayon ay mabawasan ang iyong pagdududa? Sa ngayon ay napakaraming kumpanya na gumagawa ng graphics dahil sa Internet. Nakita ng mga ito ang potential lalo na sa paggawa ng logo. Hindi sapat ang basta pagkakaroon ng Website ng isang kumpanya sa Internet upang masabi na sila ay hindi huwad.
Makabubuti na makipagkita ng personal hanggat maari. Maari mong imbitahan sila sa iyong sariling opisina o makipagkita nang personal kung possible ang pagkikita. Hanapan ng credentials at background.
Kung hindi possible ang pagkikita dahil sa lokasyon, dapat na makausap sa phone para mabawasan ang iyong pagdududa. Maari rin na makausap sila sa chat. Ang mahalaga ay makausap sila at makakuha ng impormasyon.
“Wala nang mabisang paraan para mawala ang iyong pagdududa kung sila ay iyong nakita o nakausap na nang personal.”
Simple lang naman, magpapagamot ka ba sa isang doctor na hindi mo kilala o nakita? Ipagkakatiwala mo ba ang iyong pambayad na pera sa hindi mo pa nakakausap? Paano nila malalaman ang iyong produkto o serbisyo at makagawa ng mabisang logo sa iyong kumpanya kung hindi ka man lang nila nakita o nakausap?
8. Sila ba ay kumukuha lang nang ibang designer?
Kung sila ay kumukuha lang nang ibang designer upang gawin ang iyong logo, sigurado na mas mataas ang kanilang presyo. Kung sila ay kumukuha lang ng iba, malamang na hindi sila eksperto. Makabubuting umiwas na. Kung sila ay kumukuha lang ibang gagawa ng iyong logo, hindi nila ito matutukan, katulad ng mga tunay at buong panahon na eksperto.
9. Ito ba ay kanilang “SIDELINE” lang o buong panahon?
Isikretong itanong sa kanila kung sila ba ay buong panahon bilang design company o baka isang empleyado na “nagsa-sideline” lang. Sapagkat kung “Sideline” lang nila ang paggawa sa iyong logo o graphics ay hindi nila matutukan ng husto at malamang na marami ang inisip na trabaho. Kaya malamang ay mangopya rin sa internet, kumuha ng clipart na marami ang gumagamit kasi ito ang mabilis na paraan na hindi na kailangang mag-isip pa. Kaya kawawa ang iyong logo. Kung kawawa ang iyong logo, apektado rin ang iyong kumpanya. Makabubuting umiwas na.
10. Alamin kung me maayos na Contact na impormasyon.
Ang mga kumpanya na walang maayos na contact impormasyon, (number at address at pangalan ng may-ari) ay maaring tinatago ang kanilang tunay na pagkakakilanlan at siguradong huwad. Alam mo ba ang pangalan ng may-ari ng kumpanya kung saan ka magpapagawa ng logo? Kung hindi, makabubuting umiwas na.
Kung ikaw ay magpapagawa ng logo, graphics o website, mangyari na kilalanin ang AMD GRAFIX at ikumpara ang mga payo na nasa itaas.
--------------------------------------------------------------
MGA LINKS
Basahin ang:
SIKRETO NG MATAGUMPAY NA NEGOSYO…INILAHAD!
Basahin rin:
Libre Paggawa ng Facebook Fan Page!

Sloty Casino - Horseshoe Tunica, MS - Mapyro
TumugonBurahinGet 밀양 출장안마 directions, reviews and information for Sloty Casino 세종특별자치 출장마사지 - 정읍 출장샵 Horseshoe Tunica, MS. Realtime 원주 출장마사지 driving directions to Sloty 제천 출장안마 Casino, Horseshoe Tunica,